Search This Blog

Thursday, 8 February 2018

AKO NA ANG DAKILANG TANGA

By: Therese Ann Montebon

       (Originally written on December 13, 2014)




Therese Ann Montebon; a beautiful young woman, Accounting Technology student at the University of San Carlos, whom I met during the Sinulog Festival 2018. Aside from her dazzling beauty, this lovely lady is also a great poet.



"AKO NA ANG DAKILANG TANGA"

Isang taon na pala
Mila nung tayo'y magkakilala
Nung una sa pangalan lang kita kilala
Di ko akalain dun na pala magbubunga.
Dati pangalan mo lama'y naririnig ko sa aking mga barkada
Sabi nila ikaw yung taong na disgrasya
Ikaw naman kasi di nag iingat,
Kaya ikaw ay nasinat.

Ako'y iyong biglang kinausap
Ako tuloy napakurap-kurap
Hindi ko akalain
Tayo'y magiging malapit na kaibigan
Puro tayo mga biruan,
Kaya magaan sayo aking kaluoban
Mukhang sayo lang ako naging ganito
Yung tipong wala akong sinisekreto
Ikaw na siguro yung parang naging diary ko
Dahil sayo lang ako naging totoo
Ako'y nagpaka baliw at parang may ibang pagkatao
Hindi naman ako ganito sa ibang tao
Dinaig mo pa ang aking matalik na kaibigan
Ni wala nga kaming masyadong pinag-chichismisan

Sobrang napalapit ako
Di ko tuloy namalayan ako'y nahuhulog sayo
Gustuhin ko man na ika'y maging akin
Para aking mahalin
Ngunit ito'y hindi maaari
Kasi ika'y meron nang nagmamay-ari
Di ko naman kasi alam
Kaya sayo ako'y nagpa-alam
Tinanung mo ako kung ano ang aking problema
Ngunit di ko masabi-sabi kasi baka ika'y magtaka
Ayoko naman maki-alam sa inyo ng iyong kasintahan
Kasi alam ko na wala akong karapatan
Sinabi nya nga sakin ako'y usyusera
Feeling ko tuloy ako'y naging paki-alamira

Gumawa ako ng isang tula
Upang sayo ay ipakita
Kasi namiss kita ng sobra
Umabot nga ng isang taon diba?
Pero wala ka namang alam na ako'y naging ganito sayo
Di ko kasi sinabi ang totoo
Ngayon ko lang talaga na realize
Na sayo'y sobra akong na mesmerize
Mukha tuloy akong tanga
Ako parin ay umaasa
Pero di ko ito mapipigilan
Yun kasi aking nararamdaman.

INSERT KANTA:
(Sana ngayong pasko ay ma-alala mo parin ako,
hinahanap-hanap pag-ibig mo,

Nangangarap at umaasa parin ako
Na muling makita ka sa araw ng pasko)

(to be continued...)